Sunday, December 23, 2007

Bawal man ang ibigin ka...

kinikimkim ang damdaming kay tagal ng nakapinid
sa pagsintang mapagbiro puso nawa'y di masamid
sa tuwina ang dalangin ko sana'y huwag matalapid
tadhana ay mapag imbot tag init man o tag lamig.....

ngunit puso'y binuksan mo kahit ito'y selyado na
maagimat ang 'yong ngiti ang ganda mo'y may mahika
ang mukha mo na kay amo at pungay ng iyong mata
ako'y iyong nabighani at puso ko ay nakuha....

bawal man ang ibigin ka wala akong magagawa
sadyang ganito ang pusong nasasabik sa paglingap
pilitin man ang magtiis lagi na lang naghahanap
hindi mapigil ang pintig pilit pa ring pumipitlag....

labis ang aking ligaya sa tuwing tayo'y magka usap
hindi ako nagsasawa abutin man ng magdamag
halakhak mo'y tumatagos sa laman ko't mga ugat
oh giliw ko ang dalangin sana ito'y di magwakas....

ngunit kulang ang ligaya dahil hindi ka kapiling
pagsapit ng hatinggabi unan pa rin ang kasiping
hanggang kailan magtitiis nasasabik na damdamin?
ikaw ba ay panaginip, bakit di ka maging akin?...

"huwag mo akong paluhain o mundo kong mapagkait
pagkat muli mong tinuruan ang puso ko na umibig
kapag ajko'y iniwan nya sa dibdib ko'y anong sakit
diyos ko iyong patatagin huwag mong bigyan ng panangis..."

ang puso ko'y ingatan mo mahal ko yan ang dalangin
pag ibig ko'y di susuko wala ka man sa 'king piling
kung dumating ang sandaling ika'y pilit niyang kukunin
aking mahal tandaan mo, pag ibig ko'y hanggang libing...


Ron:)

Abqaiq, KSA

Monday, December 3, 2007

ASMSI Christmas Party on December 08, 2007

ASMSI Christmas Party on December 08, 2007
November 17, 2007 | Announcement

Time to go party! But this time, enjoy a beautiful sight seeing, and socializing with our fellow alumni (non-alumni friends may join) in a relaxing hot spring of Villa Rey Resort at Pansol, Calamba, Laguna.

Let us, however, remember that aside from the usual building of “camaraderie” among our fellow alumni, our foremost goal is also to raise fund for our organization.

We are inviting you to share your early Yuletide moment with our Sisters of Mary brothers & sisters.

There would be Php200.00 entrance fee. It’s really Christmas time! Time to share…. Coz - It’s going to be “BYOB” Bring-your-own-baon (and share…)!

Mei mga manlilibre naman daw po kaya, bring your own TAGALIBRE na rin!

VILLAREY RESORT is located at Purok Uno, Brgy. Pansol, Calamba, Laguna.

Para mapadali, magpababa lang kayo sa WONDERSPRING PANSOL(right side if you’re from Manila),-tapat ng Di Vinia’s Buko Pie. Papasok po ang VillaRey Resort, kilala ito sa lugar, kaya’t madali po kayong maituturo.

For More info., contact Ate Shawi Dizon - 09287076274

Punta po kayo!